Friday, August 1, 2014

Manny Pacquiao Sasali na sa PBA 2014 Rookie Draft



Ayon sa team manager ng Kia Motors, kung saan siya ay pinangalanan nang head coach, hinihintay na lamang niya ang hudyat ni Pacman para kanya nang isumite sa PBA Commissioner’s Office sa Libis, Quezon City ang Draft application nito.

“Hawak ko na yung papeles niya. Magpapa draft na siya. Sasali na siya sa Draft,” wika ni ginoong Eric Pineda.

“Oras na sabihin na niyang ipapasa ko ito, dadalhin ko na,” dagdag ng Kia Motors team official.

Kwento ni Pineda, nagdesisyon si Pacman na magpa-draft na matapos ang kanyang two-week vacation sa Israel at Europe at matapos rin umano ang naging pulong nito kay PBA commissioner Chito Salud. Si Pacquiao ay mayroong hanggang August 13 para pag-isipan kung itutuloy ang Draft plans, na nag-iisang paraan para makalaro siya sa Asia’s first play for pay league.

Ang mga Fil-foreign applicants ay mayroon namang hanggang July 8 para magsumite ng aplikasyon kasama na ang kanilang mga dokumento mula sa Bureau of Immigration at Department of Justice.

Para matupad ang pangarap ni Pacquiao na maging playing coach ng Kia, kinakailangang makuha siya sa Draft ng Columbian Autocar Corporation, na maaring mangyari sa 11th o 12th pick, depende sa magiging resulta ng lottery nila ng isa pang expansion team na Blackwater Sports Elite.

Sa edad na tatlumpo’t apat, masasabing si Pacquiao na ang magiging oldest applicant sa pool na kabibilangan rin nina former NBA prospect at Fil-American guard Stanley Pringle at mga Gilas cadets na sina Kevin Louie Alas, Garvo Lanete, Jake Pasucal, Matt Ganuelas at Ronald Pascual.


Credits from: pba.inquirer.net

No comments:

Post a Comment